Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na nakipag-deal ako sa kapatid kong tiburcio dahil sa isang hinayupak na paniki na iyon!
Tandang tanda ko pa, grade 1 pa lang ako nuong panahon na iyon, nsa bakuran lang namin ako, nakasalampak sa sahig sa tabi ng kanal at nanghuhuli ng "babuyan". Ewan ko kung saan nila napulot ang name na yun pero sila yung karaniwang nakikita sa mga kanal yung parang hindi pa lutong shrimp na tumatalon talon sa kanal. sabado at wala kaming pasok. Nang dumating ang kapatid kong si "An an", oo An An tlga naging palayaw nya, Marianne kasi totoong pangalan nya tapos ngayon pilit na nyan binabaon sa lupa ang palayaw nyang yun...Yhan yhan na raw ang pangalan nya ngayon. Well mas ok pa din sakin yun An An haha mas Cool at MAKATI pakinggan.
Ok balik sa kwento, edi dumating na nga si kapatid ko kasama ang mga basagulerong lalaki naming mga pinsan, ang angas ng dating. Parang pang intro ng bida sa movie ang pagpasok nila sa bakuran.. lumapit sakin si kapatid.
"May nakita kaming Paniki, Dun sa may Gate ng school". Sabi nya
Dahil ako yung tipo ng bata na curious sa lahat ng bagay at gagawin ko ang lahat masatisfy lang ang curiosity ko. Nung nadinig ko yun sa kapatid ko bigla ko ginustong makita yung hinayupak na paniki na yun!.. dahil hindi ako laging pinalalabas ng bahay ni nanay never pa ko nakakita ng paniki at handa akong gawin ang lahat para lamang makakita kahit yung patay na paniki na yun.
Noong panahon kasi na yun ang turo ng mga ate ko sa amin, hindi pa daw ako pwedeng lumakad mag isa sa kalsada dahil grade 1 palang daw ako, dahil ako si masunurin ang tingin ko sa kalsada at prang isang nakakatakot na shadow realm (napulot ko lang to sa nabasa kong book) kaya ayun pag grade 2 na daw ako saka palang ako pwede sa kalsada.at dahil si an an ay grade 2 na nun. Sa paniniwala ko sya palang ang pwedeng lumabas at makapaglakad sa kalsada, kung gusto kong makalabas dapat ay may kasama akong qualified na.
Hindi ako mapakali dahil naisip kong baka mawala yung paniki dun sa lugar kung saan sya nakita nila An An at tropapips nya kaya kinausap ko si kapatid ko
"An An gusto kong makita yung paniki" sbi ko.
Putikan ang paa ni an an dahil naglaro sa tabing bukid ng eskwelahan
"Ikuha mo ko ng tubig pang hugas ko ng paa" sabi nya.
Kumuha ako ng isang tabong tubig mejo mabigat yun pra sa patpatin kong katawan nung grade 1.
Matapos ang nakakapagod na paghuhugas ng paa ng prinsipe/prinsesa kong kapatid ay nagugutom naman daw sya.. at dahil alam nyang lagi ako nagtatabi ng ampaw na bilog na laging inuuwi samin ng tatay ko after nyang magpasok ng lotto nya.. alam kong un ang hinaharana ng hinayupak, pamasok aq sa loob ng bhay at kinuha yung ampaw ko sa sikreto kong taguan (hindi ko pa alam na super expose pla yung taguan ko na yun bata pa kasi ako kaya feeling ko tago na talaga ang gamit ko dun) at inabot sa kanya.
Nsa isip ko, ok na yan hinayupak ka at isama mo na ko ng makakita na ko ng paniki sa personal..
Nang bigla syang nagtanong. Hinding hindi ko makakalimutan ang tanong nyang iyon... "Sino ang Crush mo sa mga klasmate mo?". Grabe ang kapatid ko ang agang shumoshowbiz sa buhay ko. Haha, sobrang hirap mag desisyon pra sa akin ng panahon na yun..
Gusto ko talagang makita ang paniki pero ayaw kong mareveal ang super duper crush ko nung grade 1, oo grade 1 palang makire na ko... joke haha..
"Oh, ano sino nga? Bahala ka hindi kita dadalhin dun sa paniki, ang astig pa naman nun"
Gustong gusto ko talaga makita yung hinayupak na paniki na yun!!..kaya pikit mata ko ng sinabi yung name ng crush ko "Ma** **se".
Edi ayun na. Sinama na ko ni kapatid... hindi maiguhit ang saya sa aking mukha ng oras na yun. Wag ko lang maaalala na sinabi ko sa kapatid ko ang ultimate crush kong klasmate.
Nang dumating kami sa crime scene, Oo crime scene talaga kasi buto nalang ang inabutan namin at ang baho na nya.. tapos yung makikita mo nalang ang korte nya dahil sa naireplica na ng mga langgam ang trueform nya..
Mejo na disapoint ako sa nakita ko at hindi ineeskpek na ganun ka walang kwenta magaling lang talaga mag exaggerate ang ate/kuya kong si An An. Well wala na kong magagawa, na reveal na agad ang unang sikret sa buhay ko dahil sa walang kwentang paniki na yun.
Pagdating namin sa bakuran ay agad agad ipinag kalat ng mokong ang sikreto ko.. galit ako sa kanya nun. Dalawang araw ko siyang hindi bati, oo dalawang araw lang kasi pagatlong araw may pasok na at sya ang naghahatid sken sa school kaylangan kong lunukin ang pride ko (may pride agad?) dahil wala akong baon pag hindi ako pumasok haha
No comments:
Post a Comment