Wednesday, February 19, 2014
Section 1 ang STAR Section
Ang kwento ko naman ngayon ay isa sa pinaka epic na nangyare sa akin ako'y elementarya pa lamang. Ito ang kwento kung bakit tuwang tuwa sa akin sina nanush(nanay) at tatush(tatay) at kung bakit ako nalipat sa Star section nung grade 2 ako.
Pero bago yan balikan muna nating ang grade 1, noong grade one ako mayroon akong sariling mundo, naiimagine ko ang mga daliri ko na pra silang may sariling buhay, yung tipong yung hintuturo at hinlalato ko ang mga paa at iniimagine kong laruan tapos pinagsasabong yung dalawang kamay ko at nakakabuo ako ng magandang ending sa laban nila (sa isip ko lang). Masaya na ko sa ganun laro noon. Mahirap lang kasi kami at hindi ako madalas nabibili ng laruan ni nanush, kaya ok na sakin ang malawak kong imahinasyon. Wala pa sa isip ko nun ang mag aral. Kasi nman ang ginagawa lang sa school ay mag basa ng
"ba", "be","bi", "bo", "bu"
at
"ka", "ke", "ki", "ko", "ku",
tapos kakanta kanta lang. Nako la wents. Yung utak ko kasi nun pang algebra na.. yung malalalim na formulas and logic... hahah joke lang! Haha ang totoo nyan grade 6 na ko natutong magbasa ng tuwid. pwera biro grade 6 na ko natuto tapos tagalog lang ang kaya kong basahin haha.
Nung grade 1 ako laging 0 ang score ko..as in consistent na 0.. ang hirap kaya imaintain ng ganung score. Haha.. kaya ang bagsak nung nag grade 2 ako nsa section 2 ako.
Tinatanong mo kung bakit section 2 lng at hindi last section which is the section 3? E kasi kahit papano tahimik nman ako sa klase at yung teacher namin nung grade 2 ay lola ko. Feeling ko kinuha nya talaga ako para parusahan kasi apo nya ako tapos puro 0 ang score ko. Hay bakit kaya walang napproud sakin e consistent naman ang score ko. Haha.
So nagtataka na ba kayo kung pano ako napunta sa star section? Haha ok sige eto na ang kwento ko.
Ang lola/teacher/adviser ko nung grade 2 ay uugod ugod na, may salamin at malabo na ang mata (natural naka salamin nga eh) kaya wala sya masyadong pinapagawa sa amin kung di mag basa lang ng walang kamatayang "ba", "be","bi", "bo", "bu" at "ka", "ke", "ki", "ko", "ku"... pero this time may twist and turn na sya.. with matching
"ba" "ba" - "babae",
"be" "be" - "bebe"..
wag na nating paabutin ng ka ke ki ko ku baka may masabi lng akong green. Haha
Edi ayun na nga. Mahilig din ang ang lola ko magpa kabisado ng mga tula, english man or tagalog.. kung saan mejo may interest ako. hindi ko alam kung si goku pa dn ung sumanib sa akin kasi alam ko si goku bobo dn e.. sino kayang anime character ang sumanib sa akin ng panahon na yon at nakahiligan ko magkabisa. Hindi pa din ako sanay magbasa non, basta sinusundan ko lng kung ano ang sinasabi ni lola and inuulit ulit ko lang tapos nag pprepretend akong sinusundan yung nakasulat sa libro.
Then eto na..
One time biglang may dumating na ibang teacher. Ang taba nya at ang kapal ng pulang lipstick nya.. at ang eye shadow havey mukang shadow tlga. Bata palang ako kilala ko na ang itsura ng masungit at hindi... pag singkit ang mata masungit yun pag malaki ang sobrang babait nun (bute nalang malaki mata ko). E singkit yung babae kaya alam kong masungit sya
Ang sabi ni lola kaya daw nandun si lipstick woman este teacher pla dahil pababasahin daw nya kami isa isa at titignan kung qualify kming ilipat ng section. (Mukang nakukuha nyu na kung pano ko nalipat pero mali kayo!basahin nyo pa). Napag alaman ko mula sa katabi kong kaklase na yun daw ang kilabot na adviser ng section 1. Masaya na ko sa buhay ko sa section 2 kasi doon meron bigla nalang iiyak kapag hindi nakikita ang nanay sa labas ng bintana, meron dn nman bigla nalang gumagawa ng laguna lake sa sahig. At madami ding nakatulala lang sa labas at nag aantay ng uwian (at isa ko sa kanila). Masaya na talaga ako dun, normal para sa akin.
Pinabasa na kami isa isa ng mga kaklase ko.. nagsimula sa row 1.. hay bute nalang nsa row 4 ako.. oh oh oh wala sa row ang talino hindi totoo yung kantang "row 4 nabobopol" nandun ako kasi nilapit ng lola ko yung upuan ko sa kanya pra daw masubaybayan ako.
Eto na talaga... ako na ang pababasahin.... tugs tugs.... tugs tugs... tunog ng heartbeat yan ndi ko alam ang sound effects nung e...
tugs tugs.... tugs tugs... kabadong kabado ako... pero handang handa na kong mapahiya sa harap ng mga lutang kong kaklase.. tugs tugs.... tugs tugs... binuklat na ni lipstick woman at pahina ng libro... (napapikit ako) .. at sinabi nya(in super malanding tone) " sige nga basahin mo to" *kindat* haha joke lng walang kindat yun..
Pagdilat ko.. nakita ko ang pahina ng libro.. ang unang napansin ko ay ang batang nakadrawing before yung tula (english yung book e ndi ko na tanda yung title nung tula) ay teka kabisado ko to ah.. haha nagkataong yung tula na yun ay kakatapos lang ipakabisa ng lola ko sa amin.. ang laki ng ngiti sa muka ko nanaman... naisip kong yes may pagkakataon na pala akong makatakas sa puder ng lola ko na laging nakabantay sa akin.. haha this is it pansit.. itinuro ni lipstick woman ang unang mga salita (in slowmo)... natigil ako.... hindi ko mabasa.. lols hanggang sa si lipstick woman na ang nagbasa.. nung binasa na ang unang salita ay bigla kong naalala ang mga kasunod nito.. hanggang sa nagtuloy tuloy at inakala ni lipstick woman na marunong talaga ako magbasa. Hangang hanga sya sa sakin. Nadinig ko pa syang nagsabi na ang galing ng batang ito, bat nandito to? Sayang to. Tpos ay kinausap nya si lola... hindi ko alam ang pinag usapan nila pero after nun lumapit sakin si teacher na hindi nababawasan ang lipstick khit walang tigil ang salita.. sabi nya
"BUKAS SA SECTION 1 KA NA HA?"
OMG! Haha anong ginawa ko!? Haha tama lng ba talaga ang ginawa kong iyon o baka pagsisihan ko lang..?! pano na ang circle of friends ko?! Mababawasan ang mga tulala boys... pero wala akong magagawa ngyare ay nangyare... bahala na..
Pag uwi ko mag isa.. Oo grade 2 na ko e pwede na ko maglakad sa kalsada haha..
Mabilis pa sa cheetah ang balita ng pagpapalipat sa akin ng section.. naikwento agad ng pinsan ko (na isa sa mga tulala boys) sa nanay ko na ililipat na ko sa section 1...
Pagdating ko sa bahay isang naghuhumiyaw na ngiti ang salubong ng nanay ko... (OMG ano ba tlga tong ginawa ko)... sa sobrang tuwa ng nanay ko nag pauwi sya sa tatay ko ng laruan pra daw sa akin..( yehey ok na dn pla ). Pagdating ng tatay ko salubong agad ako pra kunin yung laruan ko.. nanakita ko xa.. todo ngiti din! Tapos may inabot sa akin sabay puri ang galing ko daw... pagbukas ko ng plastic Jusmeyo marimar.. Bola ng basketball (yung pang bata lng).... tay?! Mukha ba kong nagbabasketball?! May phobia nga ko sa bola e!
Tapos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment