Friday, April 4, 2014

Network Topology

Nasa kalagitnaan ako ng pag Cocode ko sa hinayupak na system namin ng biglang lumapit ang isang ka officemate ko.. at sinabing "Rolz, kailangan ko ang plano mo sa cable ng internet ntin".

Holy Cat!

Lilipat na kasi kame ng office, at ngayon lang nila sinabi sa akin na ang gagawing internet connection namin ay cable na at hindi na WIFI, hinayupak.. ok naman sa akin mag cable kasi napag aralan ko na naman yun.. kaso web developer ang position ko ndi network administrator saka sobrang matrabaho yun ah.. tapos ang laki pa ng bagong office na pag sesetupan ko nun.. hinayupak tagala!


Pero eto wala na kong magagawa kaya nag umpisa na kong burarain ang plan nila haha bahala sila basta dapat nsa tabi ko yung isang modem para sa mga maiitim kong balak (devil) bwahahaha.




Monday, March 31, 2014

Tinatamad Ako



Tinatamad ako dahil...

Meow..

Nawawala ang pusa ko...

Ang pusa na lagi kong kausap...

Ang pusang mahal na mahal ko...

Ang pusang antukin na lagi akong tinutulugan...

Ang pusang nagpapasaya sa akin araw araw...





_________________

Hindi ko alam kung ano ang nangyare sayo, kung bakit ka nagkaganyan sa akin, hanggang ngaun hindi ko pa din maintindihan dahil hindi ko kayang tanggapin ang napakaliit mong rason na yan.

ilang linggo na ang nkalipas, iba't ibang uri na ng pang uuto ang ginagawa ko na sa sarili ko boss. pero sa tuwing naalala kita natatanga nanaman ako.

ano ba ginawa mo sa akin boss.


bumalik kana..


sana umuwi na ang pusa ko sa bahay na ginawa ko para sa kanya.


boss sige na.








Saturday, March 29, 2014

Twenty FourTEEN

Ito ang CAKE ko last year sa office - lalaking lalaki ang porma diba? musta nman teh ang plawers? bongaloo itechie

Sa susunod na sabado na pala ay birthday ko nanaman tatanda nnman ako hay.. ilang taon na nga ba? twenty fourTEEN alteast teen pa din haha 3:)

Gusto kong maghanda, gusto ko din gumala, gusto kong magliwaliw at mag tumbling sa isang masayang lugar.. hindi ko pa alam kung ano gagawin ko sa susunod na sabado.. pero malamang sa GUGUSTUHIN ko lang ang mga yan hehe :p


ang tagal ko nang gustong icelebrate ko ng bongga pero wala e mahirap at malaking pamilya kasi kami e.. at may mga bagay akong mas ipriority  hehe.. pero ok lang may next time pa naman e.. pag ok na kami saka nalang ako babawi sa sarili ko.. haha basta ngayun ang goal ko e maiready ang pang enroll ng dalawa kong kapatid.. (woo gudlak sken). kung dati isa lang ang kolehiyo kong pinag aaral e ngarag na ko lalo pa ngayung dalawa na si OMG (Oh My Goku). pero kaya yan.. gaya nga ng lagi kong sinasabi sa lahat ng kaibigan ko.. dapat lagi tayong POSITIBO hehe.. yan lang eh.. hay kayang kaya ihyan.


Siguro ang mangyayare lang sa birthday ko, bka bumili na lang ako ng ice cream para sa amin sa bahay haha tapos ano pa ba? ahmm makikipag kulitan sa mga pamangkin ko (Maglalaro ulit kme ng patagalan ng hindi magsasalita, lagi nmang ako ang nananalo).



Ayun lang.. naisipan ko lang mag post ngayon kasi hindi pa din ako natutulog kahit galing na ko sa work at naglakbay ng tatlong oras mahigit pauweng bulacan. alas-4 na ng madaling araw pero dilat na dilat pa din ang naghuhumiyaw kong mata (at mala maletang eyebags). yung birthday ko kasi laging sumasagi sa isip ko buhat knina kaya ayan post nlng para matigil na sya.


Ay muntik ko na makalimutan.. ka Birthday ko pala si Gloria Macapagal Arroyo, haha wala lang share lang.

Friday, March 28, 2014

General in the Middle?


May nagtanong sa akin kung bakit daw "General in the Middle" ang title ng blog ko... actually gumana kasi yung automatic pop-up ng kokote ko kaya ganyan yan .. ganto kasi ang kwento nyan


(Parang ang hirap ipaliwanag neto ah.. hehe pinag sama samang pangyayare kasi sa buhay ko ang naging dahilan)

Una : Google Keep - isa syang apps na pwede mong iinstall sa Android phone mo (hindi ko alam kung available dn sa iOS wala kasi akong ganun). pwede kang mag save ng mga notes mo d2 sa app na to then pag nag ka connection ka ng internet automatic nag sync sya sa google account mo.. gamit na gamit ko ang app na yan pramis.. dyan ko sine-save lahat ng lyrics, quotes na napulot ko (internet, books, TV series, movies) , mga dapat kong gawin, number sa lotto na gusto kong tayaan, at kung ano ano pa.. maganda kasi pag nag save ako ng note sa pc automatic nsa phone ko na agad tpos pwede ko agad iGM sa mga friends ko lols (uso pa ba ang GM? or ako nlng gumagawa nun).

ang haba ng paliwanag ko, pero eto ang kinalaman nya sa General in The Middle : Bigla ng pop-up sa kokote ko na kung ano ang makikita ko sa sandamukal kong notes sa Google Keep ko yun ang gagawin kong Title ng blog ko. Oh ayan ang kinalaman nya...

Pangalawa : Hunter X Hunter,anime to na isa sa mga favorite ko, ginawaan kasi sya ng remake nung 2011 pa kaya sinubaybayan ko ulit.. at ngaun lagpas na yung episode nya sa naunang version.. nsa chimera ants na sila sa mga oras na to..  haha jan ko napulot. yung general in the middle, sa pag kakatanda ko na note ko yung General in the middle sa episode na nakikipag laban yung King Chimera at si Komugi (yung babaeng hindi nya matalo sa prang chess na game pero hindi ko alam ang tawag) tapos nakita ko sa subtitle General in the middle daw after nya gawin yung move nya.. pag kakita ko plang parang may nag *plok* (sound effect ng popup brainie ko) na sa kokote ko at agad ko syang isinave sa google keep ko..

Pangatlo : naisipan kong gumawa ng bagong blog.

ayan.. ganyan ang kwento ng title ng blog ko.. hehe



(masaya kasi kung laging nasa gitna ka lang ng mga bagay bagay sa buhay, hindi ka magmamataas at hindi ka din magiging sobrang baba. sakto lang :p
)

Wednesday, March 12, 2014

Promote


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa promotion na ito or hindi.. matutuwa ako kasi taas ulit ang sweldo ko.. kaso nalulungkot din ako kasi siguradong sobrang daming task na babagsak sa akin.. haha saka parang may sumpa na kasi ang mga IT head dito sa office namin.. lahat ng IT head na chuchugi sa work.. siguro gusto na nila din ako ma chugi.. ako na kasi ang pinaka nag tagal na IT dito mag 2 years na ko.. ako ang record holder haha.. 

bahala na siguro si Super Saiyan 3 na Goku, sana magampanan ko ang mga bago kong tungkulin.. :) 





Friday, March 7, 2014

Nasa Paligid lang Sila

Mahilig ako mag basa ng mga may temang magic na libro at syempre isa din ako sa mga "PotterHeads" sa planeta. At minsan meron talagang mga ideang sumusulpot sa weirdo kong utak hehe..

Madalas itong nangyayare sa akin.. bakit kaya ganun minsan yung mga Character sa Book feeling ko nakakasalamuha ko sa tunay na buhay... hehe minsan nakakasalubong ko, minsan nman nakakasabay ko sa bus or jeep, minsan nga kausap ko pa e... automatic talagang akong na kakapag tag ng mga Character sa mga tao.. na parang may nakaready akong listahan ng mga karakter sa utak ko na kapag nakakita ako ng tao bigla kong nalalagyan ng imaginary name tag sila tapos kada makikita ko sila yung imaginary name tag lage ang nakikita ko.. haha..

Bigla ko lang gustong ipost to kasi nman kahapon may dumating na babae d2 sa office, hinire sya ng boss ko para mag translate ng mga spanish na documents to English para mabasa ng mga kasama ko d2..

Nakakatuwang isipin na Nasa paligid lang din natin yung mga character na gawa gawa lang ng sobrang malilikhaing Author hehe..

Ayun lang.

Tuesday, February 25, 2014

Sakuragi Ears Mode



"Sakuragi Ears Mode"

yan ang nangyayare kay sakuragi kapag na didinig nya si Haruko.. Lumalaki ang tenga nya at naka focus lang sa boses ni Haruko.. Yang din ang itinawag namin ng bestfriend kong si Mac kapag nakikinig kami ng tsimis or kahit ano pang topic sa paligid.. pero hindi naman syempre lumalaki ang tenga namin!, masyado naming na enhance ang kakayahan naming ito. kahit naka upo lang kami automatic na siyang gumagana agad, kahit pa busy kami sa aming ginagawa aware pa din kami sa nangyayare sa paligid namin dahil naka passive na skill na namin ang "Sakuragi Ears Mode".