Saturday, March 29, 2014

Twenty FourTEEN

Ito ang CAKE ko last year sa office - lalaking lalaki ang porma diba? musta nman teh ang plawers? bongaloo itechie

Sa susunod na sabado na pala ay birthday ko nanaman tatanda nnman ako hay.. ilang taon na nga ba? twenty fourTEEN alteast teen pa din haha 3:)

Gusto kong maghanda, gusto ko din gumala, gusto kong magliwaliw at mag tumbling sa isang masayang lugar.. hindi ko pa alam kung ano gagawin ko sa susunod na sabado.. pero malamang sa GUGUSTUHIN ko lang ang mga yan hehe :p


ang tagal ko nang gustong icelebrate ko ng bongga pero wala e mahirap at malaking pamilya kasi kami e.. at may mga bagay akong mas ipriority  hehe.. pero ok lang may next time pa naman e.. pag ok na kami saka nalang ako babawi sa sarili ko.. haha basta ngayun ang goal ko e maiready ang pang enroll ng dalawa kong kapatid.. (woo gudlak sken). kung dati isa lang ang kolehiyo kong pinag aaral e ngarag na ko lalo pa ngayung dalawa na si OMG (Oh My Goku). pero kaya yan.. gaya nga ng lagi kong sinasabi sa lahat ng kaibigan ko.. dapat lagi tayong POSITIBO hehe.. yan lang eh.. hay kayang kaya ihyan.


Siguro ang mangyayare lang sa birthday ko, bka bumili na lang ako ng ice cream para sa amin sa bahay haha tapos ano pa ba? ahmm makikipag kulitan sa mga pamangkin ko (Maglalaro ulit kme ng patagalan ng hindi magsasalita, lagi nmang ako ang nananalo).



Ayun lang.. naisipan ko lang mag post ngayon kasi hindi pa din ako natutulog kahit galing na ko sa work at naglakbay ng tatlong oras mahigit pauweng bulacan. alas-4 na ng madaling araw pero dilat na dilat pa din ang naghuhumiyaw kong mata (at mala maletang eyebags). yung birthday ko kasi laging sumasagi sa isip ko buhat knina kaya ayan post nlng para matigil na sya.


Ay muntik ko na makalimutan.. ka Birthday ko pala si Gloria Macapagal Arroyo, haha wala lang share lang.

No comments:

Post a Comment