(Parang ang hirap ipaliwanag neto ah.. hehe pinag sama samang pangyayare kasi sa buhay ko ang naging dahilan)
Una : Google Keep - isa syang apps na pwede mong iinstall sa Android phone mo (hindi ko alam kung available dn sa iOS wala kasi akong ganun). pwede kang mag save ng mga notes mo d2 sa app na to then pag nag ka connection ka ng internet automatic nag sync sya sa google account mo.. gamit na gamit ko ang app na yan pramis.. dyan ko sine-save lahat ng lyrics, quotes na napulot ko (internet, books, TV series, movies) , mga dapat kong gawin, number sa lotto na gusto kong tayaan, at kung ano ano pa.. maganda kasi pag nag save ako ng note sa pc automatic nsa phone ko na agad tpos pwede ko agad iGM sa mga friends ko lols (uso pa ba ang GM? or ako nlng gumagawa nun).
ang haba ng paliwanag ko, pero eto ang kinalaman nya sa General in The Middle : Bigla ng pop-up sa kokote ko na kung ano ang makikita ko sa sandamukal kong notes sa Google Keep ko yun ang gagawin kong Title ng blog ko. Oh ayan ang kinalaman nya...
Pangalawa : Hunter X Hunter,anime to na isa sa mga favorite ko, ginawaan kasi sya ng remake nung 2011 pa kaya sinubaybayan ko ulit.. at ngaun lagpas na yung episode nya sa naunang version.. nsa chimera ants na sila sa mga oras na to.. haha jan ko napulot. yung general in the middle, sa pag kakatanda ko na note ko yung General in the middle sa episode na nakikipag laban yung King Chimera at si Komugi (yung babaeng hindi nya matalo sa prang chess na game pero hindi ko alam ang tawag) tapos nakita ko sa subtitle General in the middle daw after nya gawin yung move nya.. pag kakita ko plang parang may nag *plok* (sound effect ng popup brainie ko) na sa kokote ko at agad ko syang isinave sa google keep ko..
Pangatlo : naisipan kong gumawa ng bagong blog.
ayan.. ganyan ang kwento ng title ng blog ko.. hehe
(masaya kasi kung laging nasa gitna ka lang ng mga bagay bagay sa buhay, hindi ka magmamataas at hindi ka din magiging sobrang baba. sakto lang :p
)
No comments:
Post a Comment