Friday, March 7, 2014

Nasa Paligid lang Sila

Mahilig ako mag basa ng mga may temang magic na libro at syempre isa din ako sa mga "PotterHeads" sa planeta. At minsan meron talagang mga ideang sumusulpot sa weirdo kong utak hehe..

Madalas itong nangyayare sa akin.. bakit kaya ganun minsan yung mga Character sa Book feeling ko nakakasalamuha ko sa tunay na buhay... hehe minsan nakakasalubong ko, minsan nman nakakasabay ko sa bus or jeep, minsan nga kausap ko pa e... automatic talagang akong na kakapag tag ng mga Character sa mga tao.. na parang may nakaready akong listahan ng mga karakter sa utak ko na kapag nakakita ako ng tao bigla kong nalalagyan ng imaginary name tag sila tapos kada makikita ko sila yung imaginary name tag lage ang nakikita ko.. haha..

Bigla ko lang gustong ipost to kasi nman kahapon may dumating na babae d2 sa office, hinire sya ng boss ko para mag translate ng mga spanish na documents to English para mabasa ng mga kasama ko d2..

Nakakatuwang isipin na Nasa paligid lang din natin yung mga character na gawa gawa lang ng sobrang malilikhaing Author hehe..

Ayun lang.

No comments:

Post a Comment